PAGTATAPON NG BASURA SA DAGAT
Isa sa mga dahilan na nasisisira ang ating kalikasan ay marahil sa iresponsable na pag tatapon ng mamayang pilipino sa karagatan ng kanilang basura.
Ang karagatan ng Pilipinas ay hindi ligtas sa pollution dulot ng mga basurang itinatapon ng tao. Maraming yamang-dagat, kabilang na ang mga isda at corrals, ang napipinsala ng mga duming itinatapon sa dagat.Kinondena ang pagmamalabis at pagtampalasan sa mga yamang-dagat sa 16th International Coastal Clean-up na ginanap kamakailan sa Balayan Bay, Anilao, Batangas.Nakakahiyang isipin na sobrang salaula ang mga tao at maging ang dagat ay hindi pinatawad. Saku-sakong basura ang nakuha ng mga divers gaya ng mga plastic, bote, napkins, balot ng chippies, tsinelas, gulong ng sasakyan at marami pang ibang klaseng basura na nakalalason sa mga yamang-dagat. Hindi maitatanggi na marami ang nakikinabang at kumikita ng ikabubuhay sa karagatan.Talagang disiplina ang kailangan para mapanatiling malinis ang karagatan. Sa mga salaula at walang pagpapahalaga sa kalikasan ang dapat sa kanila ay ipakain sa pating. Sana’y matuto ang mga tao na protektahan ang kapaligiran. Turuan ang mga bata na huwag magtapon ng basura.
Ang mga posibleng epekto nito ay pagkasira ng mga tirahan ng isda, pulusyon sa tubig, at marami pa na posible na ikasira ng tuluyan ng dagat.
Ang pwede natin gawin para maagapan ang suliraning ito ay sa pamamagitan ng pagtatapon ng basura sa tamang basurahan, pagpapatupad ng batas kung saan pag nag tapon sa dagat ay mahuhuli at mapapagmulta at community service, at ang matagal na kailangan natin sundin ay ang Reduce Reuse Recycle.
Comments
Post a Comment